Friday, August 29, 2008

Gusto kong kumain ng Korean food!!! Gusto kong kumain dun sa korean resto na pinuntahan namin ni Kristell - na binigyan pa kami ng discount nung koreanang may-ari dahil naitanong ni Kristell ang 'how much?' sa salitang korean (*o*)



At ayan, may kanya-kanya kaming Hanna na bitbit (ang kapatid kong si Hanna at ang kapatid nyang si Hanna ^^ hehehe).

Gusto ko talagang kumain ng kimchi... Stressed na ako dito sa pilit kong tinatranslate na kantang Hapon na ito. Yung isang stanza nya hindi ko talaga magets. Kapag napapatigil ako sa kahit anong ginagawa ko, naiisip ko yung stanza na yun - hanggang sa panaginip pinag-iisipan ko sya! Hindi na 'to tama. Ah, CHINCHAaaaa!

At hindi na pala planet ang Pluto. Ngayon ko lang nalaman... suuuuuper huli na ako sa balita... ahehe... Dahil sa hindi sya pumasa sa bagong standards ng pagiging planet, ayun nademote. Isa na lang syang salingkit - dwarf planet. Hmmmm.... 'universal discrimination' pagdating sa laki? Kahit pala saan, meron nun. Parang hindi tama. Ahahahaha ..... Gusto ko talaga ng Kimchiiii!

3 comments:

えすたひめ essie-hime said...

Wooooooow, parang ang sarap! Enge naman! :D

Masarap ba ang kimchi Paupau? Nakakagutom! @__@

8D

At! Na-receive ko na 'yung ni-Ebay naming Kitchen ni Nellie..

Jan, jan, jan. jaaaaaaaaannn.. Babasahin ko na.. ^__^

えすたひめ essie-hime said...

PS.

Akala ko ikaw 'yung nasa left nung 2nd picture Pau..

Sabi ko:
"Hala, ang payat ni Pau!"

At naisip ko:
"Parang tumangkad siya.. hmmnnn.."

Haha, daisuki desu yo! ^__^V

pawdough said...

Yey! may kitchen ka na rin (*o*)//

Tsaka, oo si hanna yun... hay naku, malayo pa ako sa pagiging payat! ahehehe

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.