Dahil sa nakakalokang discount ng National Bookstore sa isang libro, agad-agad ko naman syang binili. At bukod don, Hapon kasi ang sumulat eh, Koji Suzuki. Hahahaha. Oo na, biased na kung biased. At dahil na rin sa pagka-impulsive buyer ko, huli na nang nalaman ko na ang libro pala na binili ko ay ang novel kung san based ang horror film na ‘Ring’. Nabasa ko naman na ung title bago ko binili, pero dahil sa matingkad na cover ng libro, malay ko bang eto ung 'Ring'. Sa lahat pa naman ng napanood kong horror, sa ‘Ring’ ako pinakanatakot. Nung panahong nilabas sya sa sine, sa pinsan ko ako tumutuloy. At dahil di pa ayos ung mga kwarto sa bahay nila noon, sa sala ako natutulog. Samakatuwid, kaharap ko ang super laki nilang telebisyon sa buong magdamag. Kaya pagtapos naming manood ng mga kaklase ko ng ‘Ring’, lagi kong naiisip na walang hirap si Sadako kung sakaling sa TV ng pinsan ko sya lalabas. Tapos, pag-umuuwi naman ako sa bahay namin tuwing weekend, sangkatutak din ang TV (may palaruan kasi kami ng playstation dati --kaya may mga nakatambak na TV sa bahay galing sa pwesto, gumagana man o sira). Isipin nyo na lang ang puyat na inabot ko sa bwisit na pelikulang un.
Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kundi basahin itong libro. Inumpisahan ko na sya nung Sabado. At saktong-sakto pa dun sa eksena na unang napanood nung bida ung deadly video tapos nagring ung telepono, saka naman nagring din ang cel ko. Natakot ako, at di ko sinagot. Kahit pa ang ringtone ko ay boses ni Haido. Hahaha. Si Kristel pala ung tumawag at may ibabalita. Tawa nang tawa sakin ang mommy at kapatid ko. Napakaduwakang ko daw. Gaano ako ka-duwakang? Tuwing hihinto ako sa pagbabasa nung libro at makakatulog, napapanaginipan ko sya (>.<)
Inaamin ko, mahina ang loob ko sa mga ganitong mga nobela. Ang huli ko yatang binasa na horror novel ay sa Sweet-Valley kids pa. Hahaha. OO, wala pa akong nababasang sinulat ni Stephen King. At wala akong balak! Siguro sa mga novels lang about vampires ako di takot.
--Ah, naalala ko na. Kasalan 'to ng 'Let the Right One In'. Kung sana available sya sa bookstores, eh di sana ako napabili nitong 'Ring'. Kung bakit naman kasi out of stock yung libro na yun - at take note, sa lahat ito ng branch ng Powerbooks at wala daw binigay na date ang publisher mismo kung kelan sya magiging available ulit. Kainis! Ang sabi pa nga nung nakausap ko sa telepono, marami na nga daw naghahanap nung libro, nung isang araw nga lang daw may dumaan sa store at nagtanong rin. Kung alam lang nya, ako rin yun! Hahaha. Naisipan ko lang tumawag at baka may stock na *nagbabakasali lang, hehe*. Nakita ko kasi yung movie, at sabi ng friend ko mas maganda pa daw yung book. Kaya hinanap ko. Pero sa 'Ring' ako bumagsak.
Kaya ngayon, bitbit-bitbit ko tong libro sa office. At least dito lagi akong naliligiran ng tao. Nung Sabado kasi, nagsi-alisan ang mga kasama ko sa bahay. Naiwanan akong mag-isa sa sala, at ang tanging kasama kong kapatid ay natutulog nang mahimbing sa kwarto.
Sabi sakin ni Mommy, alangan naman daw na sa libro lumabas si Sadako. . . Well, malay natin. Hahaha
Nakita nga ni Patty kanina 'tong libro na binabasa ko. Ang sabi nya sakin, 'Tigilan mo na ang pabasa nyan!'
Pero eto parin ako, nagbabasa. Hay! Dito na lang muna 'to sa opisina. Ibang libro na lang babasahin ko bahay, hehe. Kahit pa kasi gustuhin kong itigil na ang pagbabasa, naumpisahan ko na eh. Parang ayaw na akong bitawan ng libro.
Kung si Patty pinatitigil na ako, si Joey naman ang tanong sakin, 'So ilang araw na lang ang natitira sayo?'
XD
0 comments:
Post a Comment