Monday, July 7, 2008

Sinamahan ko si Kristell sa Pops in Seoul (Arirang) 1000th episode celebration nung Sabado. Akala ko nung una barbero lang yung event kasi sa Manila Film Center ung place. Di ba may mumu dun? Ginagamit pa pala yun. . . Hehehe . . .

Kasama namin yung mga taga-Cloud Philippines (Rain's fans club). At etong si Kristell ikinuha din ako ng Cloud shirt - kaya ayun, parang fanatic din ako kay Rain. Tsaka may sari-sariling colors ang bawat fans club ng mga korean artist - aakalain ng makakakita samin eh may sports-fest na nagaganap sa Manila Film Center. Nung sinabi nung Koreanong cameraman sa Clouds na humarap at batiin si Rain, 'tong si Kristell nakatalikod at ako ang napaharap. Hay naku!Pero natuwa naman ako dahil super bait ng mga fans ni Rain - lalo na si Ate Ake (bilib ako sa kanya kasi mag-isa syang nagpunta sa Bangkok para manood ng concert ni Rain!). Isa pang nakakatuwa sa kanila ay hindi lang sila puro teenagers at yuppies - may mga moms din na nandun. Dapat pala sinama ko rin Mommy ko (n_n). Ang kwento pa sakin ni Ate Ake, may nakilala syang fan ni Rain na 76 years old na!

**Rain, it's amazing!** (heehee . . . fans lang 'ata ni Rain ang makakagets nyan)

May nakilala rin akong Japanese fans ni Rain: si Hiroku-san (onechan!), at si Umi (baliw 'tong batang Japino na 'to - hahaha). Naiiba ang pangalan ni Hiroku-san bawat banggit ni Kristell - at mukhang hanggang ngayon, di pa rin nya maitama ang pangalan ni onechan. At si Umi ang hapon na maka-koreano at mukhang Koreano (hahaha). Gustong-gusto ko pagnagsasabi sya ng 'O sugoi!'

Di ako masyadong nag-enjoy sa 'K-pop Party' kasi di ko naman kilala yung mga korean na nandun - si VJ Isak at Evan. Kamuntikan na ako makatulog.

*(1st pic) Umi, me, Ate Ake, Kristell** **(2nd) VJ Isak and Evan** **(last) with Clouds Philippines**

After nung event, kumain kami sa isang korean restaurant. Napaluha ako sa mga kinain namin, lalo na dun sa noodles **chincha! ang anghang!** Pero masarap naman. Tsaka uminom kami ng Soju! Ye!


1 comments:

shinbi06 said...

wahahaha.. sorry naman alam mo naman n may memory gap ako at talaga namang nkapost n kung ano anog pangalan ang nabanggit ko =P miyanhamnida... tao lang po hahahha... basta s 25 labas ulit tayo

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.