Monday, July 28, 2008

Something had gone amiss . . .

May mali yata sakin. Napuyat ako ng ilang araw nung isang linggo. Ang salarin - Ohmiya SK, ang duo nila Ninomiya Kazunari at Ohno Satoshi ng Arashi. Ang kyut nilang tingnan. Sobrang naaliw ako hanggang sa pati fanvids ng Juntoshi (Jun x Ohno), Shono (Ohno x Sho), Sakuraiba (Sho x Aiba) pinanood ko na rin. Ang sweet nila - kinikilig ako . . . . hahahaha . . . . Nahawa na rin yata ako sa officemate kong becky (ang aking mahal na 'okasan' at seatmate na si Joey). Pa-mhin na rin ba ang gusto ko?! Oh hindeee . . . (@_@) Pero mahirap iresist ang Arashi rabu! Lalo na ang love nila for Riida (Leader) Ohno. ^(*-*)^
**Yung 4th pic - Ohmiyamoto (kasama ni Riida ang kanyang wife at mistress na si Jun . . . hihihi)**


***
Tsaka pala, dahil sa matinding pagpupumilit ni Kristell, nag-umpisa na rin akong mag-gym. Yung unang araw ko, pinagjump-rope ako nung instructor. 200 ung pinapagawa sakin, pero pagdating ko sa ika-170 wala nang kulay ang mukha ko. Di ko kinaya. Akala ko nga katapusan ko na! Hahahaha . . . Nagdidilim na yata ang paningin ko nung mga oras na yun. Kung hindi sa mataas kong pride at ayaw kong mapahiya, baka hinimatay na ako sa pagod. Ngayon naiintindihan ko na ung scenes sa mga movie/anime na bigla na lang bumabagsak at nawawalan ng malay ang mga bida sa sobrang pagod. Ang hina pala ng resistensya ko. Kaya ngayon, iwas muna ako sa jump-rope (X_X)


**kristell, me, and the extras (lol)
thanks migzy for the pic**

0 comments:

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.