Wednesday, October 22, 2008

Inaantok ako. Sobra. Kanina lang, bumigay na ako at napaidlip sa desk ko. Tapos nagising na lang ako sa boses na tumatawag sa di kalayuan ng "Paula... Paula". Pagdilat ko, Boss ko pala yun, may pinapagawa sakin. Ahehehe. Di kasi ako sumasagot sa YM kaya pinuntahan nya na lang ako sa station ko. Kakahiya! Buti na lang mabait ang bosing ko.


Kasalanan kasi 'to ng 'Paraiso'. Napuyat tuloy ako. Hahaha.. Kung ang iniisip mo ay Paraiso ng Smokey Mountain, yun na nga. Mag-aalas dos na ng madaling araw kanina nang ginising ako ni Hanna. Akala ko naman kung anong nangyari. Video lang pala ni Nishikido Ryo at iba pang mga Johnny's Junior na nakita nya sa net **si Botan kasi naitext pa eh (n_n)** At kumakanta sila ng - walang iba kundi - Paraiso. Hahaha... Nagising tuloy ang diwa ko. Ang galing pala ni Ryo **eklat :P** Natuwa kami ni Hanna.

~Paraiso, Johnny's Junior~

Tsaka nagperform pala ang Smokey Mountain sa Japan - tingnan nyo

~Paraiso, Smokey Mountain~

Ayan, kaya kaninang paggising ko, ang unang salita na lumutang sa utak ko ay 'Paraiso'. Tapos sinundan pa ng 'take me by the ha-and' na kinakanta ng batang Ryo sa isip ko. Auto-replay na sya. Ang galing-galing kasing kumanta ni Ryo dun eh *eklat ulit... hahahahaha*


Uwaaa... inaantok pa ako. Buti na lang lapit na ako umuwi. Yehey!!

0 comments:

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.