Monday, May 5, 2008

Medyo maaga akong nakatulog kagabi. May pinanood kaming movie nila Mommy kagabi, Shinjuku Boy Detectives. 1998 movie sya na sina Aiba at Jun ang nasa lead roles.

Nakakatawa silang panoorin nung bata pa sila. Pero ang labo nung story: may villain na hindi maintindihan kung robot ba o multo - na naghahanap ng magiging bff na babae sa dark alleys - at lagi syang nakatalikod sa umpisa pagnagpapakita, may pangbeauty-pageant na background music (yung part na nabubuild na yung friendship nung mga lead characters), may detective - na taga JE din, pero hindi siguro sya sumikat :p - na halatang-halatang nirerecite o binabasa yung lines nya, may bigla na lang lumitaw na misteryosong detective na nagbigay kina Jun ng kakaibang gadget - pero hindi man lang sila nagulat at nagtanong kung para san yun - at hindi rin naman inexplain nung detective. Kaya ang end result - nakatulog ako ng maaga ^_^


Tapos na nga pala ang live na L'Arc sa Taipei (nung April 26). Paris na ang next stop nila.
*Haitsu in Taipei!*

*source: niji bbs*

Natawa ako sa MC ni Ken

ken: Hello everybody! (in Chinese)
ken: We are F4.

Yan ang teru teru bozu Ken version (ang kyut!). Inulan kasi sila dun sa Shanghai kaya ayan nagsabit sila nyan sa Taipei. Sa nakakakilala kay Ken - kahit hindi sabihin, unang tingin pa lang alam mo na agad na si Ken yan, ne


*From bailey59 at The ArK BBS:
Teru teru bōzu Japanese: てるてる坊主; "shiny-shiny Buddhist priest" Children make these tiny dolls & hang them outside the day before they wish for good weather

1 comments:

えすたひめ essie-hime said...

ken: Hello everybody! (in Chinese)
ken: We are F4.

-- hahahahaha.. xD

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.