Sunday, May 4, 2008

Bigla kong naisip, wala pala akong naitabing high school pictures. Yung setting kasi nung pinapanood ni mommy kanina ay nasa high school - at habang tinititigan nung bida ung class picture nila, napaisip din ako kung nasan yung class picture ko nung high school. Bumangon tuloy ako kahit madaling araw. Pero, 'ala akong nakita kundi itong litrato ng langaw sa school garden namin. At hindi pa nga yata sya kita sa litrato. Para sa Journalism class namin yan. Di ko maalala kung bakit yung langaw yung napagdisketahan kong kuhanan.

*ayun sya sa pinatuktok na dahon - ung nagliliwanang*

Pero hindi naman ibig sabihin nyan ay autistic ako nung high school. Kahit walang mga litrato, marami naman akong magagandang alaala: (yaks! pang-'maalaala mo kaya' . . . hihihi)

*Kasama ang lima kong kakaklase, umangkas kami sa isang military truck para makatawid sa baha sa Zapote - sasali kami sa Alay-Lakad sa Luneta. Napadpad pa nga kami sa Baclaran. At andun kami, hanggang manginig na kami sa lamig - anim kami pero dalawa lang ang may payong. At sa dami ng pinagdaanan naming hirap at paghihitchhike, nakarating din kami sa wakas sa Luneta. Pero dahil sa lakas ng bagyo - ayun, postpone na yung event. Bwisit na Alay-lakad! Sa huli, wala na saming sumali sa alay-lakad.

*yung crush ko ang first dance ko sa prom - na kamalaunan ay nadiskubre ko na beki pala sya.

*Madalas akong absent sa CAT - nagtatago sa office ng school news organ namin (kasabwat ang aming journalism teacher :p). Kaya ayun, nung graduation na sa CAT, hilo at kamuntikang masuka ang inabot ko dahil hindi ako nasanay na tumayo sa init ng araw ng ganun katagal.

*sa first group-date (na ginawa lang naming para hindi mailang yung friend namin dun sa kaklase naming manliligaw nya) kamuntikan na akong hindi papasukin sa PG13 na movie - at 3rd year na kami nun ha.

*lagi akong late - madalas isa ako dun sa mga nasa labas ng gate, naghihintay na matapos ang flag ceremony.

*lagi ding incomplete ang notes ko sa notebooks - wala nga yata akong nakumpleto.

*kapag walang masyadong ginagawa, andun kami sa office ulit ng school news organ namin, nagkwekwentuhan ng ghost stories - at para mas lalong nakakatakot, patay ang ilaw.

*at madalas akong mapagalitan ng Daddy ko kapag gabi na ako nakakauwi - hindi tuloy ako nakasali sa ghost-hunting sa school
ng mga kaklase ko . Sayang!

*at kahit 4th years na kami, naglaro kami ng doctor quackquack at sardines.

*ung overnight swimming namin after graduation, dun kami natulog sa parking lot nung resort. Sa semento kami nagsihiga - yun kamay yata ni Sid yung unan ko tapos ung hita ko ang unan naman ni Abby. Basta, dugtong-dugtong kaming lahat.

Haaaaaaay! At maraming-marami pang mga kakornihan kaming ginawa nung high school. Sayang at wala akong litrato. Oh well . . .

Huy! Abby pahingi pictures! *sana lang mabasa nya 'to . . . hahaha*

2 comments:

えすたひめ essie-hime said...

Pau, kahit anong gawin ko, hindi ko makita 'yung langaw! :(

pawdough said...

Ahaha . . . tingnan mo ung pinaka nasa tuktok na dahon (ung nasa edge nung pic) - tapos ung lines nung dahon sa right side may konting curve - yun na yung langaw! (-_-;)ahehe

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.