Monday, March 31, 2008

Nafufrustrate ako. Isang buong maghapon ang nilaan ko sa manga ng Gakuen Alice dahil gusto kong malaman yung ending. Bitin kasi yung story dun sa anime series. At kahit na patalun-talon ako ng chapters na binabasa, dahil kulang ang mga scanned na translated chapters available online, eh sige pa rin ako.

Nagsimula ako sa chapter 46 (dahil napanood ko na nga ung mga unang part sa anime series). Pagkatapos ng 57, chapter 65 na ang available. Medyo nabwisit ako, pero sige tuloy pa rin ako. Tapos walang 66 at 67, at wala ring 71 hanggang 77. Medyo nadidiscourage na ako, pero dahil gumaganda na ang istorya basa pa rin ako nung mga sunod na chapters na meron. Naguguluhan na nga ako. Habang patagal nang patagal, pagulo nang pagulo ang takbo ng istorya sa utak ko - isa lang malinaw sakin, ang love-triangle nila Natsume-Mikan-Ruka. Hahahaha. ***Bakit ganun? Basta kapag may mga ganyang elemento sa istorya, madaling mahook ang mga tao . . . o ako lang ba ang ganito?***

Mga bata pa naman ang mga bida sa Gakuen Alice. Elemetary students lang sila. Kaya nga pinagtatawanan ako ni Betsy kasi medyo pambata. Tsaka 'friendship' talaga ang main theme nya. Pero dahil sa mga bata pa sila, nakakatuwa ang love story nila. Ang kyuuuuuuut!

***Gakuen Alice's synopsis (from Wikipedia)**


Ang cute di ba? Opening theme pa lang parang kwela na.

Subalit, ongoing pa pala yung manga. Kaya pagdating ko sa chapter 94, wala pa talaga yung kasunod. Biteeeeeeeeeeeen!!!

Sa sobrang frustration ko, naghanap ako ng fanfictions ng GA sa fanfiction.net. Para lang madistract muna ako habang nag-aantay sa release ng next chapters. Pero naman, ang mga fanfic titles, 'I Love You' , 'Made for Each Other', 'When I Met You, 'With a Kiss', 'love between war' - pang Star Cinema . . . Nagtry pa rin naman akong magbasa ng ilan. Karamihan dun sa mga fanfics ginawang teenagers na yung mga characters ng GA - at nagda'date' na sila! Hindi ko kinaya. Bakit naging romance novel ang Gakuen Alice. Yaks! Hindi tama. . . . at hindi maganda! Sabihin nyo nang para akong lola pero - anu ba, mga bata pa yung mga yun! Kahit gawin pa silang sixteen year olds sa fanfics, mga inosenteng bata pa rin sila sa paningin ko. (lol)

Babalik na lang ako sa orig. Maghihintay na lang ako sa release ng kasunod na chapters - kahit gano pa katagal! **pero sana malapit na . . . ahehehe**

Saturday, March 29, 2008

Ito ang isa sa mga rason kung bakit labs ko si Aiba.

Credits: Himitsu at @ Binan no Nikki

Aiba's Nikki/journal:

★11/11/2006★Aiba Masaki in Korea

Hello!
Concerts in Korea have ended !
soon it will be the Victorious Concerts on next new year!

Something rare happened in Korea!This is・・・

the first day we arrived in Korea, by the time we reached hotel・・・it was already night time!Sleep that’s all !
that’s right, sleep ne?

I slept

in the middle of the night, actually is 4 o’clock in the morning

really felt like going to toilet so I woke up!

I still could recall what happened till the time I settled my toileting needs!

but I don’t remember anything after that
maybe sleepwalk ne・・・

I was outside the room!

Haa!!!!!

I remembered this very clearly. Terrible, terrible, I was thinking this as I returned to my room ne!

Ahhhhhhh!!!

the key was left in the room

locked out・・・

oh dear in any case, went to search for Manager’s room first to seek help in opening!
moreover, tomorrow is the actual concert

But, but・・・
I don’t know what is Manager’s room number

so I just searched for it randomly, cause I knew it was on the same floor!

Shortly after I started searching!
only one room seemed occupied

God, didn’t disappoint me

entered the room without thinking!
Key can you lend..ehhhh

・・・・ah・・・

there were 2 Koreans whom I didn’t know at all, drinking coffee!
from 4 o’clock in the morning !!

It’s too early for morning coffee ne

that was what I thought, but in any case, I had to apologize first!!

I don’t know how to say ‘sorry’ in Korean language!

anything is fine as long as it is in Korean・・・・・

・・・・Kamusahamunida (thank you in Korean)・・・・

I end up saying thank you!

It was so terrible that I entered abruptly and still said ‘thank you’ ne!!

a shock within 3 seconds!

Ahha

***Hay Aiba, wala akong masabi (lol)***

Saturday, March 22, 2008

Pinipilit kong magconcentrate sa pinag-aaralan ko kagabi. Pero, naman, ang daming distractions. Ang daaaaaaaaaaami talaga - sangkatutak na scans from Laruku's 'Are You Ready' Photobook. Hindi ko kinaya. Na-corner nila ako . . . ooops, eto na naman ako. Baliw! Hahahahaha...

**Shinny! Thanks for sharing those wonderful scans ^___^**

**Si yuki ba 'to? Ang payat ni yuki kasi madalas hindi na nya nakukuhang kumain kapag nasa tour. 4% lang yata ang body fat nya - pero ang ganda ng kuha nya sa pic na 'to ha.**
**Hyde, ikaw ba talaga yan? Anu ba, 39 na yang mamang yan! Hahaha... nung huling 'most wanted lover' ng cdtv pangatlo sya - more than 50% yata nung mga nasa list ay 10 years younger sa kanya. Isipin nyo, si Jin at Kame ang nasa 1st at 2nd spot - HINDI TAMA!!! (lol)**

Hay naku, parang hindi na ako matatapos dito . . . hindi na tama 'to - mas marami na ang pictures kesa sa isinusulat ko . . . Haaaaaaaaaaaaay! Babalik na lang ako sa pag-aaral ko.

Ja ne :p

Friday, March 21, 2008

Okay, I'm supposed to be studying. But before that, let me post these scanned pages from LeCiel 54 that Loreley had so generously shared. (I wish I can also get a copy but I think only LeCielers can have this mag *sigh*)

**Loreley - mouichido, hontou ni domo arigatou gozaimasu . . . Watashi wa ureshii yo ^_____^**

*so hyde kissed the mannequin not tetsu (lol) . . . I'm referring to this pic*
**Haido was amazing at the 'Jack in the Box', especially when he sang Glay's Yuuwaku - he owned the song. And I was also surprised with Ken's performance - and, surprisingly, even my sister liked his voice when he sang 'Crying in the Rain'. We didn't think Ken could sing like that** *Awww . . . what luck that woman has!*


And so, I continue with my studies. Being unable to read and understand Japanese is really frustrating.

Ganbaru!

Ja, mata ne! :p

Thursday, March 20, 2008


Pahabol lang 'to. Natutuwa ako dun sa ad ng Animax sa Friendster, si Haido ang nakalagay. Out of so many artists na nagperform sa Music Station Superlive '07 - isipin mo, si Ayumi Hamasaki, Koda Kumi, Arashi, NEWS (kung san kasali si Yamapi), SMAP, B'z, Mr.Children. at kung sinu-sino pa - eh si Haido ang naifeature sa Animax ad.
Ang babaw ko . . . . hahaha
*I can just imagine my sister rolling her eyes when she reads this post - giving her 'yeah-whatever' look. She's not very fond of L'Arc - my irrational love for them probably appalled her. And, just to irk her some more, I replaced our pc's icons ('my computer', 'my document', 'my network places', 'recycle bin') with Hyde's faces. Heh heh heh*

Sunday, March 16, 2008

Simula yata nang lumabas ang PV na 'to, walang lumalampas na araw na hindi ko sya pinapanood. Sa wakas, naglabas rin ang Laruku ng magandang PV - dark ang atmosphere, may mga umaaligid ng mga babaeng bampira, at mala-Resident Evil ung setting.

Ok rin naman ung mga PV nila last year, pero hindi sila yung tipong panonoorin mo nang paulit-ulit.

Nung una nga, nag-aalala ako dahil baka puro characters sa "Devil May Cry" ang ilagay nila sa PV. Pero buti na lang talaga at Laruku pa rin ang nandun.

Kaya hanggang ngayon, may hang-over pa rin ako ng Drink It Down. Bagay na bagay yung title, nakakalasing ang song na 'to... Hahahaha

*May gulay! Buti na lang at isang beses lang ang scene na 'to. Kung hindi, baka hindi kayanin ng puso ko . . . Hahahaha**Natutuwa ako kay Yuki - sobrang passionate nya sa PV na 'to. At, sya pala ang nagcompose ng Drink It Down. Yuki suge! ^_^*

HONTOU NI KAKKOI! Pero mas maganda yata kung ang Laruku ang mga bampira. Kung sabagay, mukha namang paggising nila from the last scene, ay ganun na nga sila. Dahil nag'perish' na ung mga babaeng bampira, parang Laruku na nga ang papalit sa kanila. Ang ganda!

Naku, hindi na tama 'to. Nababaliw na naman ako.

Mata ne ^_^
 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.