Sunday, February 24, 2008

Birthday ng kapatid ko nung Martes. Nagmamadali akong umuwi dahil hindi ko sya nabati, tulog pa sya nung pag-alis ko nung umaga. Pero late na pala ang tapos ng class nya. Kaya ayun, tulog na tulog na ako nung pagdating nya sa bahay. At pagdilat ko, kinabukasan na. Hindi ko na sya nabati.

Tamang-tama naman, nameet ko si Ai. Isa rin syang fan ng L'Arc~en~Ciel na nabaling ang atensyon sa Arashi nung hiatus ng L'Arc. At saktong-sakto talaga ang timing nya, she's selling JE magazines. At dahil nakapahilig ng kapatid ko sa Arashi, binili ko sya ng magazines: Myojo at Popolo.




Kahit hindi maganda ang photo ng Arashi dun sa Myojo, binili ko na rin. Bihira daw kasing nasa cover ang Arashi. *Pinakapangit yung buhok ni Nino. Pero mukhang talagang ayaw nyang magpagupit*




Tuwang-tuwa si Hanna dun sa magazines. Linitratuhan pa yung Myojo bago alisin sa plastic (kung OA ako, sya naman OC). Ayan nga, seryosong-seryoso sa pagbabasa - akala mo naman naiintindihan nya. Natatawa ako. At bigla syang na-frustrate, kailangan daw matuto na syang magbasa ng kanji agad.

Natuwa din ako dun sa magazines, lalo na nung nakita ko ang picture ni L. Nasasabik na tuloy akong makita tong L movie.




**Salamat kay Ai. Ang saya-saya ko dahil may bago na naman akong kakwentuhan at kafangirl ^__^

**Eto pala yung LJ nila Ai - wenidokane
Dyan naka-post yung mga binibenta pa nila.

**Lastly, lagi na lang kaming napagkakamalang kambal ng kapatid ko. Magkamukha lang kami, hindi kami kambal. Kaya dun sa mga nag-iisip na ako yung mga nasa picture sa taas, nakakamali kayo, si Hanna talaga yan. Hahahaha










(si hanna yung nasa kaliwa)

2 comments:

yyelsel said...

Hapi birthday kay Hanna!

super nice birthday present yan a!

ai said...

Pau! Arigatou din for buying the mags ^_^ and it was really nice to meet you again after... ilang years nga ba? Hehe. Next time na magmeet tayo i'll make sure na walang elder sa paligid. LOL.

Nakakatuwa talaga! Its great to know na naaliw kayo sa mags. Nwei, Girl, goodluck sa HK con *fingers crossed* Isang malaking ? parin ako =(

Hannah, belated Happy Birthday ^_^

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.