Bwisit!
Pumasok ako kahapon sa office at ang saya ko pa dahil maaga akong dumating. Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang tinanong ako ni Dyanne pagdating nya, "Hindi ba ngayon ang APE (Annual Physical Exam) mo?"
Dun ko lang din naalala na hindi pala ako dapat pumasok at kailangan kong magpa-exam sa Healthway na malapit lang sa'min. Isipin mo, ang pasok ko sa office ay alas singko ng umaga - kaya dapat alas kwatro papunta na ako sa opisina. Dapat sana natutulog pa ako nang mahimbing kahapon - wala sa daan at nagmamadali para hindi ma-late. Sayang din pamasahe ko ha - kumpara sa 15 pesos lang sana na balikan papunta dun sa clinic.
Buti na lang talaga at dumating si Dyanne (eh pa'no na lang kung nag-absent sya). Kailangan pa naman na matapos ko yung APE na yun.
Kaya, yun na nga, nagmadali akong umuwi para maduktungan ko pa yung tulog ko.
Ganito siguro talaga kapag halos pareho lang ang nangyayari sa araw araw mo. Hindi na maganda 'to - the abject routine of everday life (hahahaha . . . para maistretch naman ang vocbulary ko . . . naghihingalo na sya). Kailangan ko naman ng iba pang magagawa sa buhay ko - sayang naman 'to . . . hahahahaha
Naalala ko pala, dapat ko na palang tapusin yung T-shirt na isisilkscreen ko. Hindi ako marunong talaga, inaya lang ako ni Evan. Buti pa sya, nung huling pag-uusap namin tapos nya na yung stencil nya. Ako nakatambak pa rin sa bahay, ang linis linis pa rin nung dapat gagawin kong stencil. Tsaka, dumadami na yung nakatambak na libro sa bahay na hindi ko pa nababasa. May pagkacompulsive buyer kasi ako. Kaya ayun, kawawang mga libro, parang nagiging display na lang - binibigyan ko yata ng panibagong kahulugan ang gluttony. Haaaaaaaaaay naku! Pagkauwing-pagkauwi ko nga, itutuloy ko na ang pagbabasa ko ng 'the Idiot' para medyo gumana naman 'tong utak ko - sayang eh . . . hahahaha
Wednesday, February 27, 2008
Sunday, February 24, 2008
Birthday ng kapatid ko nung Martes. Nagmamadali akong umuwi dahil hindi ko sya nabati, tulog pa sya nung pag-alis ko nung umaga. Pero late na pala ang tapos ng class nya. Kaya ayun, tulog na tulog na ako nung pagdating nya sa bahay. At pagdilat ko, kinabukasan na. Hindi ko na sya nabati.
Tamang-tama naman, nameet ko si Ai. Isa rin syang fan ng L'Arc~en~Ciel na nabaling ang atensyon sa Arashi nung hiatus ng L'Arc. At saktong-sakto talaga ang timing nya, she's selling JE magazines. At dahil nakapahilig ng kapatid ko sa Arashi, binili ko sya ng magazines: Myojo at Popolo.
Kahit hindi maganda ang photo ng Arashi dun sa Myojo, binili ko na rin. Bihira daw kasing nasa cover ang Arashi. *Pinakapangit yung buhok ni Nino. Pero mukhang talagang ayaw nyang magpagupit*
Tuwang-tuwa si Hanna dun sa magazines. Linitratuhan pa yung Myojo bago alisin sa plastic (kung OA ako, sya naman OC). Ayan nga, seryosong-seryoso sa pagbabasa - akala mo naman naiintindihan nya. Natatawa ako. At bigla syang na-frustrate, kailangan daw matuto na syang magbasa ng kanji agad.
Natuwa din ako dun sa magazines, lalo na nung nakita ko ang picture ni L. Nasasabik na tuloy akong makita tong L movie.
**Salamat kay Ai. Ang saya-saya ko dahil may bago na naman akong kakwentuhan at kafangirl ^__^
**Eto pala yung LJ nila Ai - wenidokane
Dyan naka-post yung mga binibenta pa nila.
**Lastly, lagi na lang kaming napagkakamalang kambal ng kapatid ko. Magkamukha lang kami, hindi kami kambal. Kaya dun sa mga nag-iisip na ako yung mga nasa picture sa taas, nakakamali kayo, si Hanna talaga yan. Hahahaha
(si hanna yung nasa kaliwa)

Wednesday, February 20, 2008
What Paula Means |
You are influential and persuasive. You tend to have a lot of power over people. Generally, you use your powers for good. You excel at solving other people's problems. Occasionally, you do get a little selfish and persuade people to do things that are only in your interest. You are usually the best at everything ... you strive for perfection. You are confident, authoritative, and aggressive. You have the classic "Type A" personality. You are a very lucky person. Things just always seem to go your way. And because you're so lucky, you don't really have a lot of worries. You just hope for the best in life. You're sometimes a little guilty of being greedy. Spread your luck around a little to people who need it. You are relaxed, chill, and very likely to go with the flow. You are light hearted and accepting. You don't get worked up easily. Well adjusted and incredibly happy, many people wonder what your secret to life is. |
Nagtataka si Dyanne kung ano ang madalas naming pinag-uusapan ni Lesley. Mukhang hindi sya makapaniwala na umiikot lang sa Arashi at L'arc-en-Ciel ang conversation namin. Deprived kasi ako sa bahay. Yung kapatid ko hindi masyadong mahilig sa L'Arc, ang OA ko daw kasi. Kaya kapag kinukwentuhan ko sya tungkol sa L'Arc, para kong kinausap ang pader. Sinasabi ko sa kanya na kung hindi sya makikinig sa'kin hindi ko sya bibigyan ng allowance *oo, power tripping to . . . heh heh heh* Pero recently, pareho kaming natutuwa sa Arashi - kaya well-balanced na ang usapan namin (yun ay kung ang topic ay Arashi - pero kapag sinisingit ko na ang L'Arc biglang bumabagsak ang enthusiasm ng kapatid ko . . . hhmmmph!).
***
Conversation with Lesley:
lesley: addiction
paula: hindi
paula: obsession!
lesley: hahhahahah
lesley: anong diff ng addiction and obsession
paula: ewan
paula: hahahahahahaha
lesley: Addiction was a term used to describe a devotion, attachment, dedication, inclination, etc. Nowadays, however, the term addiction is used to describe a recurring compulsion by an individual to engage in some specific activity, despite harmful consequences to the individual's health, mental state or social life.
paula: aba!
lesley: obsession - the domination of one's thoughts or feelings by a persistent idea, image, desire, etc. paula: hahahaah
lesley: so anong diff
paula: feeling ko 1 degree higher ang obsession
lesley: addiction is devotion
lesley: obsession - domination
lesley: hahha
lesley: an irrational motive for performing trivial or repetitive actions, even against your will; "her compulsion to wash her hands repeatedly
paula: TAMA
lesley: --- obsession
lesley: obession - repetitive actions agst ur wil
llesley: *even agst*
lesley: pero tayo repetitive actions
lesley: but not agst our will
paula: hahahahahahaha
paula: kung sabagay
paula: siguro ung arashi - addiction sakin
paula: pero si hyde - mukhang obsession n yata
paula: nbrainwash n ako ng l'arc!
lesley: hahahha
lesley: gusto ko malaman specific differenceeeeeeeeee
---------------------------------------
paula: teka, feeling ko malapit ko nang mdiscover
lesley: oo nga diba
lesley: ako feel ko obsession
lesley: kasi pag fans
paula: at hindi sila pareho
lesley: ang term is obsession
lesley: diba
paula: hahahaha
lesley: di naman fan addiction
paula: mukha nga
lesley: addiction more of narcotics
lesley: chuva
paula: obsession = An irrational preoccupation
paula: pero irrational din naman ang addcition . . .
paula: ung addiction ay compulsive need . . .
lesley: obsession = An irrational preoccupation - tama to
lesley: hindi na rational ang pinagagagawa
lesley: kasi sobra na
lesley: hahahha
paula: pero ang obsession ay may compelling motivation
lesley: yeah thats right
paula: in short obsessed ka na rin!
paula: wahahahahaha!
lesley: yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
lesley: finally we got an answer
lesley: ang intelligent ng discussion natin
paula: oo nga no . . .
lesley: naks
lesley: nagproprogress na tayo
lesley: wuhoooo
lesley: di lang puro l'arc and arashi ang discussion
paula: pero on the other hand - tong discussion natin eh para mdetermine kung addicted ba o obsessed tayo sa japanese boys
lesley: may words of the day pa
lesley: hahahhaha
lesley: uu nga
lesley: natawa ako dun
---------------------------------------
paula: so ganito ang usapan ng mga sophisticated n fan girls
paula: wahahahahahaha
lesley: wahahha
lesley: uy wait may chismis ako
lesley: may nabasa ako somwer
lesley: si nino daw nasa tabloid
paula: anu?
---------------------------------------
lesley: anu bah
lesley: (balik na naman tayo sa unintelligent discussion)

Wednesday, February 13, 2008
Sobrang antukin ako nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba. Aminado naman ako na antukin ako - look at my profile. Pero parang hindi na 'ata natatapos ang pagkaantukin ko. Katulad na lang nung sabado, nagising ako ng tanghali, pero nakatulog ako ulit ng mga 2 or 3 pm. Siguro 5:30 na ng hapon ako ulit nagising. Sabi ko, gusto kong may mangyari sa araw ko, kaya uminom ako ng kape - dalawang mug. Mukhang tumalab naman dahil gising ako ng hanggang alas tres ng madaling araw. Tapos nagising ako kinabukasan ng, syempre, tanghali ulit. Hapon na kami nagsimba ng kapatid ko (nauna nang magsimba sina mommy nung umaga). 5:30 pm ang service na aattendan namin ni Hanna - pero dumating kami sa church ng 3:30. Kaya nagkape ako ulit - capuccino. At hindi ko pa nilagyan ng asukal ung kape dahil sa malamang hindi ako tablan agad kapag matamis. Pero siguro dahil sa masarap yung sofa na inuupuan namin ng kapatid ko at malamig (salamat sa AC) eh inantok na naman ako - kahit pa kausap ko yung friend ko. At hindi rin naman nausog ang body clock ko - dahil pagkauwi namin nung gabi, nakatulog naman ako agad.
Hay! Eto na naman ako. Napaparanoid. Baka pagtanda ko eh wala akong maalala masyado sa kabataan ko dahil most of the time tulog ako. Wag! Ayoko yata ng ganun. Iniisip ko nga baka sakit na tong pagkaantukin ko. Pero so far, hindi pa naman ako nakakatulog ng nakatayo o kaya habang may kausap - hindi dito kasali yung mga kausap sa YM ah. . . . hehehehe . . . Madalas ko kasing nakakatulugan yung mga kausap ko dun - ang lapit lang kasi ng kama ko sa PC sa bahay - kaya andali talagang makatulog. Buti na nga lang hindi pa nabubuwisit sakin si Lesley dahil madalas nakakatulugan ko sya sa YM (o baka hindi niya lang sinasabi sakin - hala!). At dahil sa hindi ko nga nailolog-out yung YM ko, kakaiba na ang status ko sa YM pagkagising. Ang nakalagay na na status ko ay 'sleeping . . . sleeping . . . bwahahahaha, tinulugan na kayo ng kausap nyo'. Hindi hacker kundi kapatid ko ang naglalagay niyan - may pagkamaldita kasi yun . . . hahahaha! Pero kung wala sya, at naka-'available' ako sa YM pero hindi ko kayo sinasagot eh alam niyo na kung anong nangyari.
Iniisip ko na baka sobrang idle lang ng isip ko kaya ako nagiging antukin. Kasi si Betsy, ang problema naman ay hindi siya makatulog dahil sa napaka-active ng mind niya - gustong laging may sinosolve o pinag-iisipan. Napabili tuloy ako ng mga libro na mababasa (buti na lang sale sa Powerbooks). O di kaya kailangan ko na ng part-time job - dalawang problema pa ang masosolve ko: ang ticket papuntang Hong Kong at ang pagiging antukin ko. Pero dahil gusto ko pang ienjoy 'tong time ko na walang iniisip na part-time job - eto ko ngayon, habang wala pang masyadong ginagawa dito sa office, magbabasa muna 'ko ng 'the Idiot'.

Monday, February 11, 2008
Baliw na 'ata ako.
Magcoconcert ang L'Arc~en~Ciel sa Hong Kong. Yehey! At pupunta kami ng friend kong si Betsy. Hahahahahaha! Nakakabaliw na 'to. Dati ko pa gustong mapanood nang live ang Laruku. At sa wakas, medyo lumapit din sila sa Pinas. Sabi ni Betsy baka once in a lifetime lang 'to. Kaya by hook or by crook, pupunta kami dun! Kasi naman, ang hirap at ang mahal pumunta ng Japan. Kaya nga bago ko pa marating ang Japan, eh baka magretire na ang L'Arc.
Medyo nag-aalala lang ako last week kasi hindi pa kinoconfirm sa L'Arc website ung tour. Tapos nung nag-email si Betsy dun sa Box Office Co-ordinator ng AsiaWorld-Expo Management Limited (oo! iba ang powers ni Betsy - kaya bilib talaga ako sa kanya ^_^), ang advise sa kanya ay hindi pa napapafinalize yung event kaya hindi pa sya makakapagbigay ng impormasyon. Hay! Napaparanoid ako. Pero nung pagcheck ko kaninang umaga, nakapost na ung itinerary ng L'Arc para sa kanilang Tour 2008 L'7 ~ Trans Asia via Paris. Sa wakas! At nakapost na rin dun kung kelan magiging available yung tickets. Sa sobrang galak ko, tumawag pa ako from the office sa mommy ko para lang ibalita na on sale na yung ticktes sa April 1. Hahahahaha
Eto yung link about sa Tour nila:
http://www.larc-en-ciel.com/overseas/
Sugoi!
Ang tanging problema na lang namin ay kung paano hindi mauubusan ng tickets. Hindi ako exag ha! Yung unang-unang live ng L'Arc sa Tokyo Dome noon ay nasold-out in four minutes. 56,000 seats yun! At wala pa yatang nakakabreak ng record nila. Pero sana talaga hindi kami maubusan. Hindi naman 'to sa Tokyo Dome - sa Hongkong lang. Kaya sana . . . sana talaga . . .
Haaaaaaaaaaay! Baliw na nga 'ata ako.

Saturday, February 9, 2008
Eto na naman ako. Nag-uupmpisa ng bagong account. Sa totoo lang medyo may katamaran akong magsulat. Pero na-inspire ako sa blog ni Lesley (uy, special mention ka dito ha!). Nakakatuwa kasi yung blog niya - simple tsaka maganda yung pagkakaayos niya - hay naku, pinagpupuyatan niya nga yun kung minsan eh. Tapos natutuwa pa ako sa pagsusulat niya. Kaya dahil sa inggitera ako, sige ako nga rin magbablog. Hahahaha!
Hay! Ang hirap palang magtype kapag tagalog na salita ang tinatype mo no. Nakailang pindot kaya ako ng backspace. Masyado na akong nasanay sa pagtetext kaya nawawala ung mga letrang 'a' sa tinatype kong mga salita. Parang natural na na tanggaling ko yun. Para tuloy akong 1 step forward 2 steps back. Asar! Involuntary na 'ata yung muscles ko sa kamay - kahit hindi ko gustuhin, kusang hindi na sinasama ng mga kamay ko ang pagtype sa mga vowels ng salita. Hindi maganda ang laging ngttxt - ay 'nagtetext' pala. Hindi talaga maganda.
Gusto ko rin kasi na karamihan sa ipopost ko ay Tagalog ang salita. At tsaka naisip ko din ang labs na labs ko na writer na si Banana Yoshimoto. Gustong-gusto ko syang mgasulat. Liquid poetry. Adik na yata ako sa mga sinulat nya. Simple lang din naman ung mga salitang ginagamit nya. At bukod sa lahat, sinulat nya yun sa nihonggo. Translated sa english lang naman yung mga nabasa kong novel nya. Pero sabi ng iba, mas higit na mas maganda pa rin daw ung orig - ung japanese version.
O kaya nga, kung kaya ni Banana na magsulat ng soooobrang ganda na gamit ang sariling nyang wika, eh di subukan ko nga rin. Magtatagalog naman ako - kahit pa jologs!
At, kung iniisip niyo kung bakit english ung blog title ko, yun ay dahil ang hirap itagalog nung mist (at may istorya yan - pero akin na lang yun). Tinanong ko na nga yung mommy ko, sabi nya hamog. Sabi ko hindi yun - sabi nya 'eh di alimoom'. Mali rin. At ang pangit, di ko gusto - parang sakit sa tiyan ang naiisip ko. Wala . . . wala talaga akong maisip na title kaya yan na lang.
**tsaka pala, salamat sa kapatid ko na nag-ayos nitong blog ko - slow kasi ako sa maga bagay-bagay, kaya kung ako lang ang mag-aayos nito malamang bukas pa ako matapos!

Subscribe to:
Posts (Atom)