Monday, March 31, 2008

Nafufrustrate ako. Isang buong maghapon ang nilaan ko sa manga ng Gakuen Alice dahil gusto kong malaman yung ending. Bitin kasi yung story dun sa anime series. At kahit na patalun-talon ako ng chapters na binabasa, dahil kulang ang mga scanned na translated chapters available online, eh sige pa rin ako.

Nagsimula ako sa chapter 46 (dahil napanood ko na nga ung mga unang part sa anime series). Pagkatapos ng 57, chapter 65 na ang available. Medyo nabwisit ako, pero sige tuloy pa rin ako. Tapos walang 66 at 67, at wala ring 71 hanggang 77. Medyo nadidiscourage na ako, pero dahil gumaganda na ang istorya basa pa rin ako nung mga sunod na chapters na meron. Naguguluhan na nga ako. Habang patagal nang patagal, pagulo nang pagulo ang takbo ng istorya sa utak ko - isa lang malinaw sakin, ang love-triangle nila Natsume-Mikan-Ruka. Hahahaha. ***Bakit ganun? Basta kapag may mga ganyang elemento sa istorya, madaling mahook ang mga tao . . . o ako lang ba ang ganito?***

Mga bata pa naman ang mga bida sa Gakuen Alice. Elemetary students lang sila. Kaya nga pinagtatawanan ako ni Betsy kasi medyo pambata. Tsaka 'friendship' talaga ang main theme nya. Pero dahil sa mga bata pa sila, nakakatuwa ang love story nila. Ang kyuuuuuuut!

***Gakuen Alice's synopsis (from Wikipedia)**


Ang cute di ba? Opening theme pa lang parang kwela na.

Subalit, ongoing pa pala yung manga. Kaya pagdating ko sa chapter 94, wala pa talaga yung kasunod. Biteeeeeeeeeeeen!!!

Sa sobrang frustration ko, naghanap ako ng fanfictions ng GA sa fanfiction.net. Para lang madistract muna ako habang nag-aantay sa release ng next chapters. Pero naman, ang mga fanfic titles, 'I Love You' , 'Made for Each Other', 'When I Met You, 'With a Kiss', 'love between war' - pang Star Cinema . . . Nagtry pa rin naman akong magbasa ng ilan. Karamihan dun sa mga fanfics ginawang teenagers na yung mga characters ng GA - at nagda'date' na sila! Hindi ko kinaya. Bakit naging romance novel ang Gakuen Alice. Yaks! Hindi tama. . . . at hindi maganda! Sabihin nyo nang para akong lola pero - anu ba, mga bata pa yung mga yun! Kahit gawin pa silang sixteen year olds sa fanfics, mga inosenteng bata pa rin sila sa paningin ko. (lol)

Babalik na lang ako sa orig. Maghihintay na lang ako sa release ng kasunod na chapters - kahit gano pa katagal! **pero sana malapit na . . . ahehehe**

0 comments:

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.