Simula yata nang lumabas ang PV na 'to, walang lumalampas na araw na hindi ko sya pinapanood. Sa wakas, naglabas rin ang Laruku ng magandang PV - dark ang atmosphere, may mga umaaligid ng mga babaeng bampira, at mala-Resident Evil ung setting.
Ok rin naman ung mga PV nila last year, pero hindi sila yung tipong panonoorin mo nang paulit-ulit.
Nung una nga, nag-aalala ako dahil baka puro characters sa "Devil May Cry" ang ilagay nila sa PV. Pero buti na lang talaga at Laruku pa rin ang nandun.
Kaya hanggang ngayon, may hang-over pa rin ako ng Drink It Down. Bagay na bagay yung title, nakakalasing ang song na 'to... Hahahaha
*May gulay! Buti na lang at isang beses lang ang scene na 'to. Kung hindi, baka hindi kayanin ng puso ko . . . Hahahaha**Natutuwa ako kay Yuki - sobrang passionate nya sa PV na 'to. At, sya pala ang nagcompose ng Drink It Down. Yuki suge! ^_^*
HONTOU NI KAKKOI! Pero mas maganda yata kung ang Laruku ang mga bampira. Kung sabagay, mukha namang paggising nila from the last scene, ay ganun na nga sila. Dahil nag'perish' na ung mga babaeng bampira, parang Laruku na nga ang papalit sa kanila. Ang ganda!
Naku, hindi na tama 'to. Nababaliw na naman ako.
Mata ne ^_^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment