Wednesday, February 13, 2008

Sobrang antukin ako nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba. Aminado naman ako na antukin ako - look at my profile. Pero parang hindi na 'ata natatapos ang pagkaantukin ko. Katulad na lang nung sabado, nagising ako ng tanghali, pero nakatulog ako ulit ng mga 2 or 3 pm. Siguro 5:30 na ng hapon ako ulit nagising. Sabi ko, gusto kong may mangyari sa araw ko, kaya uminom ako ng kape - dalawang mug. Mukhang tumalab naman dahil gising ako ng hanggang alas tres ng madaling araw. Tapos nagising ako kinabukasan ng, syempre, tanghali ulit. Hapon na kami nagsimba ng kapatid ko (nauna nang magsimba sina mommy nung umaga). 5:30 pm ang service na aattendan namin ni Hanna - pero dumating kami sa church ng 3:30. Kaya nagkape ako ulit - capuccino. At hindi ko pa nilagyan ng asukal ung kape dahil sa malamang hindi ako tablan agad kapag matamis. Pero siguro dahil sa masarap yung sofa na inuupuan namin ng kapatid ko at malamig (salamat sa AC) eh inantok na naman ako - kahit pa kausap ko yung friend ko. At hindi rin naman nausog ang body clock ko - dahil pagkauwi namin nung gabi, nakatulog naman ako agad.

Hay! Eto na naman ako. Napaparanoid. Baka pagtanda ko eh wala akong maalala masyado sa kabataan ko dahil most of the time tulog ako. Wag! Ayoko yata ng ganun. Iniisip ko nga baka sakit na tong pagkaantukin ko. Pero so far, hindi pa naman ako nakakatulog ng nakatayo o kaya habang may kausap - hindi dito kasali yung mga kausap sa YM ah. . . . hehehehe . . . Madalas ko kasing nakakatulugan yung mga kausap ko dun - ang lapit lang kasi ng kama ko sa PC sa bahay - kaya andali talagang makatulog. Buti na nga lang hindi pa nabubuwisit sakin si Lesley dahil madalas nakakatulugan ko sya sa YM (o baka hindi niya lang sinasabi sakin - hala!). At dahil sa hindi ko nga nailolog-out yung YM ko, kakaiba na ang status ko sa YM pagkagising. Ang nakalagay na na status ko ay 'sleeping . . . sleeping . . . bwahahahaha, tinulugan na kayo ng kausap nyo'. Hindi hacker kundi kapatid ko ang naglalagay niyan - may pagkamaldita kasi yun . . . hahahaha! Pero kung wala sya, at naka-'available' ako sa YM pero hindi ko kayo sinasagot eh alam niyo na kung anong nangyari.

Iniisip ko na baka sobrang idle lang ng isip ko kaya ako nagiging antukin. Kasi si Betsy, ang problema naman ay hindi siya makatulog dahil sa napaka-active ng mind niya - gustong laging may sinosolve o pinag-iisipan. Napabili tuloy ako ng mga libro na mababasa (buti na lang sale sa Powerbooks). O di kaya kailangan ko na ng part-time job - dalawang problema pa ang masosolve ko: ang ticket papuntang Hong Kong at ang pagiging antukin ko. Pero dahil gusto ko pang ienjoy 'tong time ko na walang iniisip na part-time job - eto ko ngayon, habang wala pang masyadong ginagawa dito sa office, magbabasa muna 'ko ng 'the Idiot'.

1 comments:

yyelow_lemon said...

Ms. sleepyhead!! Lagi mo ako tinutulugan! hahahha.

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.