Monday, February 11, 2008

Baliw na 'ata ako.

Magcoconcert ang L'Arc~en~Ciel sa Hong Kong. Yehey! At pupunta kami ng friend kong si Betsy. Hahahahahaha! Nakakabaliw na 'to. Dati ko pa gustong mapanood nang live ang Laruku. At sa wakas, medyo lumapit din sila sa Pinas. Sabi ni Betsy baka once in a lifetime lang 'to. Kaya by hook or by crook, pupunta kami dun! Kasi naman, ang hirap at ang mahal pumunta ng Japan. Kaya nga bago ko pa marating ang Japan, eh baka magretire na ang L'Arc.

Medyo nag-aalala lang ako last week kasi hindi pa kinoconfirm sa L'Arc website ung tour. Tapos nung nag-email si Betsy dun sa Box Office Co-ordinator ng AsiaWorld-Expo Management Limited (oo! iba ang powers ni Betsy - kaya bilib talaga ako sa kanya ^_^), ang advise sa kanya ay hindi pa napapafinalize yung event kaya hindi pa sya makakapagbigay ng impormasyon. Hay! Napaparanoid ako. Pero nung pagcheck ko kaninang umaga, nakapost na ung itinerary ng L'Arc para sa kanilang Tour 2008 L'7 ~ Trans Asia via Paris. Sa wakas! At nakapost na rin dun kung kelan magiging available yung tickets. Sa sobrang galak ko, tumawag pa ako from the office sa mommy ko para lang ibalita na on sale na yung ticktes sa April 1. Hahahahaha

Eto yung link about sa Tour nila:

http://www.larc-en-ciel.com/overseas/



Sugoi!



Ang tanging problema na lang namin ay kung paano hindi mauubusan ng tickets. Hindi ako exag ha! Yung unang-unang live ng L'Arc sa Tokyo Dome noon ay nasold-out in four minutes. 56,000 seats yun! At wala pa yatang nakakabreak ng record nila. Pero sana talaga hindi kami maubusan. Hindi naman 'to sa Tokyo Dome - sa Hongkong lang. Kaya sana . . . sana talaga . . .

Haaaaaaaaaaay! Baliw na nga 'ata ako.

0 comments:

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.