Wednesday, February 27, 2008

Bwisit!

Pumasok ako kahapon sa office at ang saya ko pa dahil maaga akong dumating. Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang tinanong ako ni Dyanne pagdating nya, "Hindi ba ngayon ang APE (Annual Physical Exam) mo?"

Dun ko lang din naalala na hindi pala ako dapat pumasok at kailangan kong magpa-exam sa Healthway na malapit lang sa'min. Isipin mo, ang pasok ko sa office ay alas singko ng umaga - kaya dapat alas kwatro papunta na ako sa opisina. Dapat sana natutulog pa ako nang mahimbing kahapon - wala sa daan at nagmamadali para hindi ma-late. Sayang din pamasahe ko ha - kumpara sa 15 pesos lang sana na balikan papunta dun sa clinic.

Buti na lang talaga at dumating si Dyanne (eh pa'no na lang kung nag-absent sya). Kailangan pa naman na matapos ko yung APE na yun.

Kaya, yun na nga, nagmadali akong umuwi para maduktungan ko pa yung tulog ko.

Ganito siguro talaga kapag halos pareho lang ang nangyayari sa araw araw mo. Hindi na maganda 'to - the abject routine of everday life (hahahaha . . . para maistretch naman ang vocbulary ko . . . naghihingalo na sya). Kailangan ko naman ng iba pang magagawa sa buhay ko - sayang naman 'to . . . hahahahaha

Naalala ko pala, dapat ko na palang tapusin yung T-shirt na isisilkscreen ko. Hindi ako marunong talaga, inaya lang ako ni Evan. Buti pa sya, nung huling pag-uusap namin tapos nya na yung stencil nya. Ako nakatambak pa rin sa bahay, ang linis linis pa rin nung dapat gagawin kong stencil. Tsaka, dumadami na yung nakatambak na libro sa bahay na hindi ko pa nababasa. May pagkacompulsive buyer kasi ako. Kaya ayun, kawawang mga libro, parang nagiging display na lang - binibigyan ko yata ng panibagong kahulugan ang gluttony. Haaaaaaaaaay naku! Pagkauwing-pagkauwi ko nga, itutuloy ko na ang pagbabasa ko ng 'the Idiot' para medyo gumana naman 'tong utak ko - sayang eh . . . hahahaha

4 comments:

Anonymous said...

huwat?! 5am pasok mo... eh past 12am na naka-usap pa kita sa YM ha. 4 hrs sleep? Girl, masama sa health yan. (as if hindi ako ganun eh noh XDD)

Dyanne Paguio Largueza said...

Excited ka kasi pumasok lagi sa ofc.. Siguro dmo lang sinasabi, pero may crush ka sa opisina... Hmmm, Sino kaya?!!!!!! Harharahar

pawdough said...

Wala akong crush no! Medyo alanganin na kasi ung bilang ng mga late ko . . . heehee

yyelow_lemon said...

hahaha uyyyy! may crush ka sa office? kala ko si hyde lang forever?

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.