Wednesday, May 28, 2008

Nakakapagod sa Hong Kong. More than fifty percent yata ng inilagi ko dun ay naglalakad ako. Tuwing mauupo kami ni Betsy sa bus, nararamdaman namin ung pagod sa binti namin - pero pagtayo namin lakad pa rin kami. 'On our own' kami dun. At dahil hopeless ako pagdating sa directions, walang choice si Besty kundi tumayong 'tour guide' naming dalawa.

Natuwa ako sa mga double-decker buses sa Hong Kong - sa super convenient na octopus cards - sa maluluwang na daanan (walang traffic!) - sa mga bus stops at mga nakakalitong bus routes - sa magandang view habang papunta sa Sha Tin at sa may harbour - sa malilinis na sidewalks - sa female automated voice kapag pasara na ang doors sa lifts/MTR - sa noodles at fried siopao - sa dumplings na puro shrimp lang ang laman - sa takoyaki - sa mga parang candy machines (o kung ano man ang tawag dun) na imbes na candies eh mga toys na nasa plastic capsules ang nakalagay - sa store na dedicated sa jrock at jpop - at kay Kin Yat **hahaha! Sya ang nagbenta samin ng 2 extra tickets para dun sa ibang kasama namin. In all fairness, cute sya - mukhang artista sa Taiwan**



**nagkukunwari - ang totoo clueless ako kung sang station ang next stop namin**

**sa apartment na tinuluyan namin (rhodz, honto ni domo arigatou gozaimasu)**

**Lesley! para sayo yang pic na yan (lol)**

*natuwa ako - daming mags na may Laruku! Ureshii (>w<)**
**Bets and me in the busy streets of Mongkok**
**HK original comics parade sa may Harbour***gusto ko sanang magpakuha sa harap nung Olympics mascots - pero ayun nauna nang naglakad ung kasama ko (naaburido na siguro sa'kin . . . ahehe) - kaya sariling sikap ako**
**at bago umuwi ng Pinas kailangang matikman ko ang egg tart ng HK. (plus multi-tasking practice - eating, walking, and taking my own pic all at the same time (^-^)). At mas nakafocus ung aleng naka-pink**
**going home - sa wakas!**

Lastly, super cool pala maging piloto - astig ung feeling kapag patake-off na ung plane. Mecha mecha kakkoi! Pag-uwi namin sa Pinas, maaga kaming sinalubong ng 'trapik' - delayed ang pag-land namin dahil sa 'air-traffic' . . . hahaha! . . . We knew we're home **home sweet home (^__^)**

0 comments:

 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.