Thursday, May 29, 2008

Now that the L'7 is almost over, there's only Japan left for the tour, Hyde is getting ready for his own band's activities, VAMPS. He has teamed up with K.A.Z. this time - instead of just going solo. They were on Mezamashi yesterday to promote their single 'Love Addict', I think. And I soooooooo love how he looks.

**He's got the girly look again (>w<)**

Haido has left several messages in the Hydeist BBS last Monday.

**Thanks Eleonora (the Ark BBS) for sharing your translations**

Overseas No.73467 投稿者: HYDE2008-05-26 02:05:45

Obviously, being the first time, it was especially awesome.Also because they were hot since before the live.To put it simply, Shanghai and Korea before the performance were quiet (laugh).Maybe it's because they have more occasions and they are near to Japan??Surely when it's the first live, anywhere is pretty cool.♪I built some happy memories.

Good Night No.73716 投稿者: HYDE2008-05-26 02:30:31

From this week the Japanese lives are starting already.Though we won't have the overseas atmosphere, being a complete change, I have to do rehearsal~If I get there late I'll lose big!Once these lives will be over Larc won't have others for quite a while, but I'll be happy if you can think that we are getting ready to fly even higher. Let's burn together!

So, I'll go to sleep.....Good night~☆

I'm somehow relieved by what he said in his last post. And not only them, we're all getting ready to fly even higher . . . heh heh heh

Wednesday, May 28, 2008

Here's a peek from Laruku's awesome concert last Saturday. This was taken from a news program in HK.



*Thanks larcken and aoki (from the Ark BBS) for sharing*
Nakakapagod sa Hong Kong. More than fifty percent yata ng inilagi ko dun ay naglalakad ako. Tuwing mauupo kami ni Betsy sa bus, nararamdaman namin ung pagod sa binti namin - pero pagtayo namin lakad pa rin kami. 'On our own' kami dun. At dahil hopeless ako pagdating sa directions, walang choice si Besty kundi tumayong 'tour guide' naming dalawa.

Natuwa ako sa mga double-decker buses sa Hong Kong - sa super convenient na octopus cards - sa maluluwang na daanan (walang traffic!) - sa mga bus stops at mga nakakalitong bus routes - sa magandang view habang papunta sa Sha Tin at sa may harbour - sa malilinis na sidewalks - sa female automated voice kapag pasara na ang doors sa lifts/MTR - sa noodles at fried siopao - sa dumplings na puro shrimp lang ang laman - sa takoyaki - sa mga parang candy machines (o kung ano man ang tawag dun) na imbes na candies eh mga toys na nasa plastic capsules ang nakalagay - sa store na dedicated sa jrock at jpop - at kay Kin Yat **hahaha! Sya ang nagbenta samin ng 2 extra tickets para dun sa ibang kasama namin. In all fairness, cute sya - mukhang artista sa Taiwan**



**nagkukunwari - ang totoo clueless ako kung sang station ang next stop namin**

**sa apartment na tinuluyan namin (rhodz, honto ni domo arigatou gozaimasu)**

**Lesley! para sayo yang pic na yan (lol)**

*natuwa ako - daming mags na may Laruku! Ureshii (>w<)**
**Bets and me in the busy streets of Mongkok**
**HK original comics parade sa may Harbour***gusto ko sanang magpakuha sa harap nung Olympics mascots - pero ayun nauna nang naglakad ung kasama ko (naaburido na siguro sa'kin . . . ahehe) - kaya sariling sikap ako**
**at bago umuwi ng Pinas kailangang matikman ko ang egg tart ng HK. (plus multi-tasking practice - eating, walking, and taking my own pic all at the same time (^-^)). At mas nakafocus ung aleng naka-pink**
**going home - sa wakas!**

Lastly, super cool pala maging piloto - astig ung feeling kapag patake-off na ung plane. Mecha mecha kakkoi! Pag-uwi namin sa Pinas, maaga kaming sinalubong ng 'trapik' - delayed ang pag-land namin dahil sa 'air-traffic' . . . hahaha! . . . We knew we're home **home sweet home (^__^)**

Tuesday, May 27, 2008

L'Arc~en~Ciel did not disappoint me. Their concert in Hong Kong last Saturday was amazing! I won't bother writing a live report, I don't think I'm able to anyway . . . . It's only now that the reality of it all is sinking in to me.

I was jumping, shouting, raising my hands, and sweating like crazy. We sang 'yume o egaku yo' during 'My Heart Draws a Dream'. And we also sang the chorus of "Anata" after the brigde just like in 'Shibuya Seven Days'. My friend was crying non-stop during the first 4 or 5 songs. I almost cried too, but I somehow managed to contain it.

All the band members looked good - even Yuki. Hyde was uber handsome - he's so much hotter in person - and he looked taller compared to how I see him on TV. His voice was perfect. I also loved Ken's guitar and Tetsu's bass. There was no Pun'k-en-Ciel, but they took turns in singing 'Stay Away' - I liked Yuki's part. And during Ken's MC, he was telling something about how the food served to them in HK seemed to be staring back at him - the duck/chicken and the fish were glaring at him from their plates (there were even pictures projected on the screens on each side of the stage). It was funny, although because it was in Chinese, I did not understand what he said then - only afterwards when I read some live reports.

And even though we were not able to get the best seats, the ones we got were not bad at all, see

**after na yan ng concert - sobrang pagod na ako (para akong bangag! hahaha) pero nakuha pa ring magsmile (lol)**

Also, the tour goods were already sold out when we got to the venue (-_-;). Tough luck! But there was a girl who was kind enough to cut a small piece of her silver streamers for me and my friend. I was so happy. I've always wanted to get one of those - but when the silver streamers shot out from the stage, they all went into the center of the arena.

**that's one of the silver streamers (at the middle of the pic above) that came shooting out from the stage during "Ready Steady Go" I think**

I can't believe the concert's over . . . the experience had been as fleeting as a dream . . .


Whew! Looking back, it was extremely stressfull just to get to this event. But it was all worth the trouble. (^___^)


After the L'7 tour, Laruku has announced that the next live will be on 2011. It's a little sad. But at least I have 3 years to save up for it *(^O^)*

**and since I feel like I've just woken up, my thoughts are still a bit disoriented. So I'll leave the good live reports to the others (~_^) heehee**

Monday, May 12, 2008

Mahirap mang tanggapin pero parang hindi ko na marerecover ang files ko sa pc ko. Nacorrupt yung 2nd hard drive ko, tapos pati yata ung drive c ko nahawa na rin. Manonood pa naman kami sana ng kapatid ko ng Arashi kagabi. Pero pagbukas namin ng pc, parang bagong reformat ang itsura nya. Pati settings ko nawala. Bwisit! Almost 300 GB na files yun. Buti na lang may natitira pa akong katinuan. Hahaha!

Ang files ko ng L'Arc, Arashi files ng kapatid ko, Nihonggo lessons ko, French lessons ni Hanna, mga pics, mga ebooks, program installers, mga movies (na mahirap hanapin), at jdramas . . . . ang mga files na buwan ang binilang para makumpleto ko . . . . ang pinakamamahal kong mga files . . . . Huhuhuhuhu . . . . sana magaling ung IT na titingin sa pc ko - baka masave nya pa ung iba.

(T_T)

*tara, samahan nyo akong ipagdasal ang mga hd ko (^^)//

Monday, May 5, 2008

Masisira yata ang English ko sa mga Aussie schedulers. Ok naman yung karamihan sa kanila, pero minsan talaga may sumasablay. Kagaya na lang kanina. Nag-email ako para tanungin kung kelan darating yung fuel nung isang customer namin:

*reply (email)*
scheduler: Depending on how the driver does the run it could be delv on the 8/5
Paula: Would 08.05 be the latest probable delivery to customer? Or would it be the earliest?
scheduler: I would say probable


Kamuntikan na akong tumaob sa katatawa. Hindi ko kinaya. May tinatawagan pa naman ako nung dumating yung email sakin. Binaba ko agad yung telepono, at baka kung may sumagot ay hindi ako makapagsalita.

Lagot na ang pangarap kong maging ESL teacher (X_X)
Medyo maaga akong nakatulog kagabi. May pinanood kaming movie nila Mommy kagabi, Shinjuku Boy Detectives. 1998 movie sya na sina Aiba at Jun ang nasa lead roles.

Nakakatawa silang panoorin nung bata pa sila. Pero ang labo nung story: may villain na hindi maintindihan kung robot ba o multo - na naghahanap ng magiging bff na babae sa dark alleys - at lagi syang nakatalikod sa umpisa pagnagpapakita, may pangbeauty-pageant na background music (yung part na nabubuild na yung friendship nung mga lead characters), may detective - na taga JE din, pero hindi siguro sya sumikat :p - na halatang-halatang nirerecite o binabasa yung lines nya, may bigla na lang lumitaw na misteryosong detective na nagbigay kina Jun ng kakaibang gadget - pero hindi man lang sila nagulat at nagtanong kung para san yun - at hindi rin naman inexplain nung detective. Kaya ang end result - nakatulog ako ng maaga ^_^


Tapos na nga pala ang live na L'Arc sa Taipei (nung April 26). Paris na ang next stop nila.
*Haitsu in Taipei!*

*source: niji bbs*

Natawa ako sa MC ni Ken

ken: Hello everybody! (in Chinese)
ken: We are F4.

Yan ang teru teru bozu Ken version (ang kyut!). Inulan kasi sila dun sa Shanghai kaya ayan nagsabit sila nyan sa Taipei. Sa nakakakilala kay Ken - kahit hindi sabihin, unang tingin pa lang alam mo na agad na si Ken yan, ne


*From bailey59 at The ArK BBS:
Teru teru bōzu Japanese: てるてる坊主; "shiny-shiny Buddhist priest" Children make these tiny dolls & hang them outside the day before they wish for good weather

Sunday, May 4, 2008

Bigla kong naisip, wala pala akong naitabing high school pictures. Yung setting kasi nung pinapanood ni mommy kanina ay nasa high school - at habang tinititigan nung bida ung class picture nila, napaisip din ako kung nasan yung class picture ko nung high school. Bumangon tuloy ako kahit madaling araw. Pero, 'ala akong nakita kundi itong litrato ng langaw sa school garden namin. At hindi pa nga yata sya kita sa litrato. Para sa Journalism class namin yan. Di ko maalala kung bakit yung langaw yung napagdisketahan kong kuhanan.

*ayun sya sa pinatuktok na dahon - ung nagliliwanang*

Pero hindi naman ibig sabihin nyan ay autistic ako nung high school. Kahit walang mga litrato, marami naman akong magagandang alaala: (yaks! pang-'maalaala mo kaya' . . . hihihi)

*Kasama ang lima kong kakaklase, umangkas kami sa isang military truck para makatawid sa baha sa Zapote - sasali kami sa Alay-Lakad sa Luneta. Napadpad pa nga kami sa Baclaran. At andun kami, hanggang manginig na kami sa lamig - anim kami pero dalawa lang ang may payong. At sa dami ng pinagdaanan naming hirap at paghihitchhike, nakarating din kami sa wakas sa Luneta. Pero dahil sa lakas ng bagyo - ayun, postpone na yung event. Bwisit na Alay-lakad! Sa huli, wala na saming sumali sa alay-lakad.

*yung crush ko ang first dance ko sa prom - na kamalaunan ay nadiskubre ko na beki pala sya.

*Madalas akong absent sa CAT - nagtatago sa office ng school news organ namin (kasabwat ang aming journalism teacher :p). Kaya ayun, nung graduation na sa CAT, hilo at kamuntikang masuka ang inabot ko dahil hindi ako nasanay na tumayo sa init ng araw ng ganun katagal.

*sa first group-date (na ginawa lang naming para hindi mailang yung friend namin dun sa kaklase naming manliligaw nya) kamuntikan na akong hindi papasukin sa PG13 na movie - at 3rd year na kami nun ha.

*lagi akong late - madalas isa ako dun sa mga nasa labas ng gate, naghihintay na matapos ang flag ceremony.

*lagi ding incomplete ang notes ko sa notebooks - wala nga yata akong nakumpleto.

*kapag walang masyadong ginagawa, andun kami sa office ulit ng school news organ namin, nagkwekwentuhan ng ghost stories - at para mas lalong nakakatakot, patay ang ilaw.

*at madalas akong mapagalitan ng Daddy ko kapag gabi na ako nakakauwi - hindi tuloy ako nakasali sa ghost-hunting sa school
ng mga kaklase ko . Sayang!

*at kahit 4th years na kami, naglaro kami ng doctor quackquack at sardines.

*ung overnight swimming namin after graduation, dun kami natulog sa parking lot nung resort. Sa semento kami nagsihiga - yun kamay yata ni Sid yung unan ko tapos ung hita ko ang unan naman ni Abby. Basta, dugtong-dugtong kaming lahat.

Haaaaaaay! At maraming-marami pang mga kakornihan kaming ginawa nung high school. Sayang at wala akong litrato. Oh well . . .

Huy! Abby pahingi pictures! *sana lang mabasa nya 'to . . . hahaha*

Friday, May 2, 2008

Okay, bago ako magseryoso sa trabaho at mangulit sa mga scheduler na sakit sa ulo, eto muna . . . heehee

They all look sooooo handsome, ne? ^________^
*

Thanks ariel-chan!
 

Copyright 2010 . . . on a hazy morning mist . . ..

Theme by WordpressCenter.com.
Blogger Template by Beta Templates.