Nakakuha na nga kami ng tickets sa concert ng Laruku sa Hong Kong. Pero grabe ang stress na kasama ng mga tickets na yun.
The day before the tickets went on sale, may nagchismis samin ni Betsy na baka magsale sya ng 12 midnight. Nagpadala naman kami sa haka-haka, kaya ayun panic kami. Nagkita kami ng 11 pm para sabay naming aantayin sa net pagpatak ng April 1 (00.00.00). . . . Nag-antay kami. Nagrerefresh ng page ng HKTicketing every five minutes . . . Antay ng antay - pero hindi sya naging available. Hindi pala talaga maganda ang nakikinig sa chismis, sa upuan ka matutulog at hindi ka na makakaligo ng isang buong araw . . . hahahahaha.
April 1st. April Fools.
Hindi ako makapagconcentrate sa work nun. Sigurado na kami na 10am magiging available ung tickets. Tamang-tama - sakto sa lunch ko. 10 mins pa lang before 10 bumabagal n yung site ng hkticketing. At pagpatak ng eksaktong ten - pambihira, more than 5 mins bago magload ang isang page. Ang kailangan pa naman 10 mins lang every transaction dun. Tumawag na kami sa iba pa naming kakilala na nag-aabang din ng tickets. Wala rin silang makuha. After ng ilan pang minutes may message na sa site na,
"Sorry, online booking for this event is not available. Please call HK Ticketing at 31 288 288 for assistance."
For the love of L'Arc, tawag namin kami agad ni Betsy (tawag sa Hong Kong ito ha). Pinahiram pa nga ako ni Dyanne ng cel nya (salamat! ^_^). At pati ang bosing namin nagtry kontakin ang bwisit na hkticketing na yun. Busy ang linya nila - ilang oras syang busy! Mukha kaming tanga ni Betsy nung araw na yun - may sariling mundo na kami lang ang nagkakaintindihan. Pero natutuwa ako sa mga officemates namin kasi lahat sila concerned sa'min (kahit wala silang kaideideya kung sino ba ang L'Arc).
Mga alas dos na ng hapon nung araw na yun kami nakakuha. Halos lahat na yata ng pwedeng maramdaman eh nadama ko sa pagkuha nung mga tickets na 'to: sumaya, malungkot, matensyon/mastress, maexcite, magalit, stomachache, headache, backache, mapuyat, umasa, mafrustrate, kabahan, sumaya ulit. Kaya nang ibigay sakin ni Betsy ung hardcopy ng email confirmation for the tickets, ang feeling ko tumatanggap ako ng award.
Baliw na nga kami ni Betsy . . . pero hindi lang kami - marami pang iba . . . Hahahaha!
0 comments:
Post a Comment